--Ads--

Ramdam na ramdam ngayon ang kalungkutan sa Vatican kasabay ng pag panaw ni Pope Francis.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Demetrio “Bong” Rafanan na unti-unti ay dumadagsa ang mga mananampalataya para makita ang yumaong Santo Papa.

Ipinapatupad ngayon ang napakahigpit na seguridad bago makapasok ang mga tao sa St. Peter’s Basilica kung saan umabot pa ng humigit kumulang isang kilomtro ang pila.

Kung matatandaan na susundin ng Vatican ang huling habilin ni Pope Francis na simpleng burol at libing gayundin na maihimlay ito sa Basilica ng Santa Maria Maggiore.

--Ads--

Alas-9 ng umaga ngayong araw ay ililipat na sa St. Peter’s Basilica ang labi ng yumaong Pope Francis para sa public viewing hanggang sa kanyang libing sa Sabado ng alas-10:00 ng umaga.

Pangungunahan ni Cardinal Giovanni Battista Re, Dean of the College of Cardinals ang funeral mass at makikiisa dito ang mga Patriarka, Kardinal, Arsobispo, Obispo, at mga pari mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang pagdiriwang ng Eukaristiya ay magtatapos sa Ultima commendatio at Valedictio, na siyang hudyat ng pagsisimula ng Novemdiales, o siyam na araw ng pagluluksa at mga Misa para sa kapahingahan ng kaluluwa ni Pope Francis.

Sa ngayon ay wala ang deklarasyon ang Italian Government kaugnay sa itatakdang day of mourning sa pagpanaw ni Pope Francis gayunman una nang nagpaabot na sila ng pakikidalamhati sa Simbahang Katolika.