--Ads--

CAUAYAN CITY – Pagpapasyahan pa ang ipapataw sa kasamahan ng Hepe ng Mallig Police Station nasawi sa isang drug buybust operation sa barangay Centro Uno.

Sa panayam ng Bombo – Radyo sa bagong talagang hepe ng Mallig Police Station na si P/Senior Inspector Saturnino Aggabao, patuloy pa rin ang imbestigasyon upang mapanagot ang mga taong kaugnay sa nangyaring insidente.

Anya, sa buwan pa ng Setyembre pa ang pagpapasyahan ang retirement ng pulis na si PO2 Edwin Gumpal na kasama ni Chief Inspector Tubania sa operasyon.

Kasalukuyan pa ang serbisyo ni PO2 Gumpal dahil hindi pa naman umano nito nilalakad ang kanyang “non-duty status” sa nasabing himpilan ng pulisya.

--Ads--

Anya mayroong naging kapabayaan ang mga kasama ng Hepe ng pulisya sa nasabing operasyon.