--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang Pulis matapos salpukin ng SUV ang minamaneho nitong kotse sa Bypass Road, Brgy, San Mateo, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Patrolwoman Agnes Guiquing, 27-anyos, PNP member na naka-destino sa San Guillermo Police Station at residente ng Penablanca, Cagayan habang ang tsuper naman ng SUV ay si Arvin Talosig na residente ng Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Melchor Aggabao Jr., Hepe ng Tumauini Police Station, sinabi niya na binabagtas ng kotse  ang bypas road patungong hilagang direksyon habang patungo naman sa kasalungat na direksyon ang SUV.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay umagaw umano ng linya ang SUV dahilan upang magsalpukan ang dalawang sasakyan at magpa-ikot ikot ang SUV habang hindi naman gaanong tumilapon ang kotse subalit naipit tsuper nito sa loob ng sasakyan.

--Ads--

Nagtamo ng malubhang injury si Guiqing na dinala pa sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician habang habang minor injury lamang ang natamo ni Talosig.

Dahil naman sa aksidente ay maglalagay na sila ng paalala sa mga tsuper sa naturang bypass road upang mag-ingat sa pagmamaneho.