--Ads--

Nasawi ang isang pulis at ang kanyang kasama matapos silang tambangan ng mga armadong suspek sa Barangay Paglamatan, Saguiaran, Lanao del Sur, alas 1:45 ng madaling araw kanina.

Kinilala ang biktimang pulis na si PCpl. Walid Buleg Sangcopan, 42-anyos, residente ng Bayang, Lanao del Sur. Kasama niyang nasawi si “JR”, 27-anyos, mula Bukidnon.

Sakay ang dalawa ng isang SUV nang harangin sila ng tinatayang dalawa hanggang apat na suspek na sakay ng motorsiklo. Bigla silang pinaputukan ng mga suspek.

Ayon sa imbestigasyon, tinangkang makalabas ng sasakyan si Sangcopan upang makaiwas, ngunit muli siyang pinaputukan gamit ang caliber .45 pistol, dahilan ng kanyang agarang pagkamatay. Samantala, natagpuan si JR na wala nang buhay sa loob ng sasakyan.

--Ads--

Patuloy ang hot pursuit operations ng mga otoridad upang matukoy at madakip ang mga responsable sa insidente.