--Ads--

Umalingawngaw ang putok ng baril habang dumadalo si United States President Donald Trump sa White House Correspondents’ Dinner sa Washington, D.C. nitong Linggo ng umaga (oras sa Pilipinas).

Ayon sa ulat, bigla na lamang narinig ang malalakas na putok na nagdulot ng matinding takot at kaguluhan sa mga bisita ng prestihiyosong black-tie event. Agad na nagsipagtago sa ilalim ng mga mesa ang mga dumalo upang makaiwas sa panganib.

Mabilis namang rumesponde ang mga awtoridad kung saan agad na pumwesto ang mga armadong tactical team sa entablado kung saan naroroon si Trump bago siya ligtas na inilikas.

Dinagsa rin ng mga pulis ang Washington Hilton Hotel kung saan ginaganap ang pagtitipon, habang umiikot ang mga helicopter sa himpapawid bilang bahagi ng pinaigting na seguridad.

--Ads--

Batay sa ulat ng United States Secret Service, agad na naaresto ang hinihinalang suspek.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.