
CAUAYAN CITY – Nakipag-ayos ang isang Person With Disability (PWD) sa isang tsuper ng tricycle na nanakit sa kanya.
Matatandaang naging viral sa social media ang video ng pananampal ng suspek sa biktima sa likod ng Talavera compound, San Fermin, Cauayan City noong ika-25 ng Agosto 2020.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jonathan Galutera, officer-in-charge ng Person with Disability Affairs Otffice sa Cauayan Ciy, sinabi niya nagkasundo na ang PWD at tricycle driver na nanakit sa kanya.
Sinabi ni Ginoong Galutera na ikinonsidera ng dalawa ang kanilang pagkakaibigan na kahit nagkaroon na ng lamat.
Gayunman, upang matiyak na hindi na muling sasaktan ng tsuper ng tricycle ang PWD ay nagkaroon sila ng kasulatan at hiniling ng may-kapansanan na mabigyan ng protection order.
Sinabi ni Ginoong Galutera na iginagalang nila ang naging desisyon ng PWD.
Matatandaang sa unang pag-uusap sa barangay ng biktima at ng suspek ay tumangging makipag-areglo ang PWD dahil masama ang kanyang loob sa pananakit sa kanya ng tsuper ng tricycle




