--Ads--

Nakakapagtala ng maraming kaso ng love scam ang Regional Anti-Cyber Crime Unit (RACU) 2 at kadalasang nabibiktima umano ay mga guro, at retiradong empleyado.

Ang love scam o romance scam ay isang uri ng panloloko kung saan kinukuha ang loob ng isang tao sa romantikong paraan tsaka hihingan ng pera, at bigla na lamang mawawala pagkatapos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pat. Leonedes Gammad, Assistant WCPD/Investigator PNCO ng RACU 2, sinabi niya na batay sa salaysay ng mga biktima, kapag nakuha na ng mga scammer ang kanilang loob ย at tiwala ay pinapakitaan sila ng limpak-limpak na pera o alahas upang engganyuhin ang mga biktima na magpadala ng pera.

Aniya, sa lahat ng mga kaparehong kaso naidulog sa kanilang himpilan ay kanila itong naaaksyunan, natutukoy kung sino ang mga nasa likod ng panloloko, at nasasampahan ng kaso.

--Ads--

Madalas aniyang Pinoy lang din ang mga scammer ngunit ilan sa mga ito ay may mga kasabwat mula sa ibang bansa.