Pumanaw na ang sikat na two-time Grammy-winning R&B artist na si Peabo Bryson sa edad na 75, ayon sa mga ulat ng media.
Binawian ng buhay si Bryson nitong Martes, Hunyo 2, 2026, sa Marietta, Georgia. Ayon sa kanyang representative, mapayapang sumakabilang-buhay ang singer habang napapaligiran ng kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.
Ang kanyang pagpanaw ay naganap tatlong araw matapos ihayag ng kanyang kampo na siya ay na-stroke. Noong 2019, nakaligtas din si Bryson sa isang matinding heart attack.
Si Bryson, na ipinanganak bilang Robert Peapo Bryson noong Abril 13, 1951, ay sumikat sa buong mundo dahil sa kanyang mga walang-kamatayang Disney theme songs tulad ng “Beauty and the Beast” (kasama si Celine Dion) na nanalo ng Grammy noong 1993, at “A Whole New World” (kasama si Regina Belle) para sa pelikulang Aladdin na nagwagi naman noong 1994.
Kilala rin siya sa mga classic Love Songs tulad ng “If Ever You’re in My Arms Again,” “Can You Stop The Rain,” “Feel the Fire,” at ang duet nila ni Roberta Flack na “Tonight, I Celebrate My Love.”





