--Ads--

Hindi pinalad na makapasok sa Top 3 si Red Spiegelman sa Miss International Queen 2026, na ginanap sa Pattaya, Thailand.


Sa kabila nito, matagumpay pa ring naitaas ni Spiegelman ang bandera ng bansa matapos mapabilang sa Top 6 ng prestihiyosong international pageant para sa transgender women.

Nagpakitang-gilas si Spiegelman sa iba’t ibang bahagi ng kompetisyon, kabilang ang swimsuit, evening gown at question-and-answer segment, na nagbigay sa kanya ng puwesto sa hanay ng mga semifinalists at finalists.

Bagama’t hindi niya nakuha ang korona, umani naman siya ng suporta at pagbati mula sa mga Pilipino dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa kompetisyon.

--Ads--

Ang Miss International Queen ay isa sa pinakamalalaking international pageants para sa transgender women at taun-taong dinadaluhan ng mga kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.