--Ads--

Inamin ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na nakararanas siya ng pagbabago sa kanyang boses na iniuugnay niya sa menopause, ilang linggo bago ang kanyang Finale concert sa SM Mall of Asia Arena.

Ayon kay Regine, malinis naman ang kanyang vocal cords at walang polyp, ngunit nagkakaroon siya ng voice cracks at nahihirapang kontrolin ang kanyang boses.

Aniya, may mga pagkakataong pakiramdam niya ay nawala ang kanyang kakayahang kumanta dahil madaling matuyo ang kanyang boses at nagkakaroon siya ng problema sa tono.

Sa kabila nito, itinuloy ni Regine ang kanyang Finale concert bilang pasasalamat sa mga tagahanga na sumusuporta sa kanya sa loob ng 40 taon.

--Ads--

Nilinaw naman niyang hindi pa siya magreretiro sa pagkanta, ngunit nais nang bawasan ang malalaking concert dahil mas demanding na umano ito habang nagbabago ang kanyang boses.