
CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2 na hindi kabilang ang Lambak ng Cagayan sa mapagkakalooban ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Information Officer Jeanette Lozano ng DSWD Region 2, sinabi niya na batay sa Joint Memorandum Circular ng kanilang central office ay limitado na lamang ang mga lalawigan na mabibigyan ng ayuda mula sa SAP at hindi na kasama ang rehiyon dos sa listahan.
Ito ay dahil nasa General Community Quarantine (GCQ) ang region 2 at ang mga mabibigyan ng 2nd tranche ay ang mga lugar na nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Kahit hindi kabilang ang region 2 sa ikalawang bugso ay mabibigyan ang mga left outs o mga mamamayang kwalipikado sanang makatanggap noong unang bugso ngunit hindi nabigyan dahil limitado ang mga slot.
Aabot sa 5 million na kuwalipikadong benepisyaryo na left out sa bansa ang mabibigyan ng ayudang 5,500 pesos.
Ayon kay Regional Information Officer Lozano, dahil pahirapan ang pagkuha ng detalye ng mga benepisaryo ay nag-extend sila para mabigyan pa rin ng pagkakataon ang mga Local Government Unit (LGU) na maisali ang mga dapat pang tumanggap ng ayuda.
Noong June 10, 2020 ang itinakdang deadline ng paghahain ng listahan ng mga left out ngunit mahirap ang pag-validate sa mga impormasyon kaya pinalawig nila ang deadline hanggang ngayong araw










