--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinagawa kaninang umaga ang caravan ng mahigit 100 sasakyan mula sa siyam na schools division office sa ikalawang rehiyon patungong Rebecca National High Scgool sa Gonzaga, Cagayan para sa pormal na paglulunsad ng Regional Brigada Eskuwela.

Naging panauhin si Undersecretary Victoria Catibog na tubong Echague, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni G. Ferdinand Narciso, project devt officer 4 at Information officer ng DepEd Region 2 na ang kanilang caravan ay pinagkaguluhan at masayang sinalubong sa gilid ng daan ng mga tao na nagwagayway ng mga bandila at lobo na may label na brigada eskwela 2018.

Sinabi ni G. Narciso na sorpresa ang pagdalaw ni undersecteraty Catibog sa mga nadaanang paaralan kahapon sa kanyang pagtungo sa Sa. Ana, Cagayan, at nakita na handang-handa ang mga pasilidad at resources tulad ng mga upuan at mesa sa mga silid-aralan at maging sa mga opisina sa mga paaralan.

--Ads--

Marami aniyang nakikipagtulungan sa Oplan Balik eskwela na nag-umpisa noong ikadalawamput isa ng mayo at magtatapos sa ikawalo ng hunyo.

Nagkaroon ng consultative meeting ang mga opisyal ng DepEd sa mga opisyal ng DPWH para sa pagpapagawa sa mga school building sa ilang bayan sa ikalawang rehiyon.