--Ads--

CAUAYAN CITY-Tuluyan nang napasakamay ng mga otoridad ang isang lalake na kabilang sa listahan ng pulisya bilang No.10 Regional Topmost Wanted Person sa kasong Rape  na naganap sa Brgy. District 2, Benito Soliven, Isabela.

Ang suspek ay kinilala na si alyas      “Ryan” nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.

Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng kapulisan ng Benito Soliven PS katuwang ang PIDMU-IPPO, PIU-IPPO, RIU-PIT Isabela East at 201st MC ng RMFB2 at matagumpay na naaresto ang nabanggit na suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng isang Presiding Judge RTC Branch 16, 2nd Judicial Region, City of Ilagan, Isabela noong Hulyo 10, 2023 at walang inirekomendang piyansa para sa  kasong nabanggit.

Kaagad na inimpormahan ang suspek sa kaniyang mga karapatan batay sa nakasaad sa Miranda Doctrine, at ito ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng himpilan Benito Soliven bago ibalik sa court of origin.

--Ads--