Nasa kustodiya ng Philippine National Police si Police Staff Sergeant Teejay Virtucio, isang police vlogger.
Ayon kay PNP Spokesperson at PRO3 Regional Director PBGen. Jean Fajardo, dinisarmahan pa nila ang opisyal.
Sinabi ni Fajardo na bukod sa mga kasong administratibo, sasampahan din ng kasong kriminal si Virtucio at isa pang nakatakas.
Ang police vlogger na si Virtucio ay sangkot sa kasong panggagahasa kung saan nasa ospital pa rin ang biktimang teller sa isang galley sa Kenell farm,Barangay Banay-Banay, Lipa City, Batangas noong Disyembre 2024 dahil sa trauma nito sa insidente.
Nagpositibo sa penetration ang masalang bahagi ng katawan ng biktima sa medico legal at kasalukuyang hinihintay ng PNP ang resulta ng toxicology test upang matukoy kung nasa impluwensya rin ng droga ang biktima ng maganap ang panghahalay.