CAUAYAN CITY – Pinaghahandaan na ng pamunuan ng Regional Training Center (RTC) 2 na nakahimpil sa Cauayan City ang pagkamit ng International Standard Organization (ISO) certification.
Nangangahulugan na kapag nakamit ng RTC 2 ang ISO Certification ay kikilalanin na ang operasyon nito hindi lamang sa bansa kundi maging sa ibayong dagat.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Supt. Michael Cruz , Director ng RTC 2 na ngayong hunyo ay sasailalim sila sa internal quality audit.
Ang pagiging ISO certified umano ng 17 Regional Training Center sa bansa ay isa sa mga flagship program ng PNP.
Ipinaliwanag pa ni Supt. Cruz na nais nilang pagbutihin pa ang ibibigay na serbisyo bilang mga alagad ng batas.
Anya sakaling makamit nila ang International Standard Organization certification ay hindi na kailangang madagdagan pa ang kanilang mga tauhan dahil sapat na ang mas maayos at mas dekalidad na serbisyo.



