--Ads--
Ikinagagalak ng Municipal Tourism Office ng naturang bayan ang pagbubukas ng Masetas Festival.
Bilang paghahanda ay puspusan ang kanilang isinasagawa kung saan ang Festival ay isasagawa sa bago nilang Munispyo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Tourism Officer Ogie Ibarra sinabi niya na kakaiba ang Fiesta ngayon sa Reina Mercedes na nagsimula kahapon na magtatapos sa June 13.
Inspirasyon sa pagdiriwang ang pagkakaroon ng mga booth na hango sa Bambamti Festival o ang kauna-unahang Masetas Festival Agri-Eco Tourism Booths.
--Ads--
Highlights ang iba’t ibang aktibidad kabilang ang Beauty Pageant at Tinig ng Mercidenian Season 3.











