--Ads--

CAUAYAN CITY – Dumating kahapon ang replica ng Itim na Poong Nazareno sa St. Ferdinand Parish Church mula sa Quiapo Church sa Maynila.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Sherwin Balloga ng City of Ilagan  Traffic Management Group na magtatagal ang Itim na Poong Nazareno sa Lunsod ng Ilagan hanggang November 19, 2021.

Sinundo aniya ni Fr. Peter Simangan ang Poong Nazareno sa Quiapo, Maynila matapos sa sang-ayunan ang kanyang kahilingan na madala sa Lunsod ng Ilagan para magkaroon ng pagkakataon ang mga deboto na makita at makapagdasal sa kanya.

Sa November 18, 2021 ay isasagawa ang motorcade na magsisimula dakong alas singko ng hapon.

--Ads--

Ayon kay Ginoong Balloga, nagkaroon ng mga plano bago dinala  ang Poong Nazareno sa Lunsod ng Ilagan dahil inaasahang dadagsain ng mga tao.

Kabilang dito ang pagkakaroon ng crowd control at bawal hawakan ang imahe.

Ang pahayag ni Ginoong Sherwin Balloga.