--Ads--

CAUAYAN CITY – Sumampa na sa 413 vehicular accidents ang naitala ng Rescue 922 sa Lunsod ng Cauayan mula Enero hanggang buwang kasalukuyan na pawang kinasasangkutan ng single motorcycle.

Sa naturang bilang naitala ang labing anim na pagkasawi.

Umabot naman sa 212 ang mga motoristang naaksidente habang nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin habang 232 naman ang walang suot na helmet.

Pinakahuling aksidenteng naitala ng rescue 922 ay kinasangkutan ng dalawang single motorcycle sa bahagi ng Barangay San Fermin kung saan ang mga tsuper ay nasa impluwensya ng alak at pawang walang mga helmet.

--Ads--