Mag-uumpisa na ngayong buwan ng Pebrero ang ika-20 na batch ng Rescue Volunteer Training kung saan libre itong isasagawa ng CDRRMO Cauayan.
Layunin ng training na magkaroon ng mga volunteer na makakatuwang ng Rescue 922 para sa pagresponde sa mga nangyayaring aksidente sa lungsod at maging sa mga kalamidad.
Isasagawa ang training sa Quick Response Base 1, Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela ngayong Pebrero.
Lahat ng mga nagnanais na maging volunteer ay kinakailangang physically fit at nasa dalawampu hanggang tatlumput limang taong gulang.
Ayon kay Rescue 922 Command Center Head Michael Cañero, February 10-18 ang tentative date ng pagsisimula ng nasabing training.
Walong araw ang itatagal ng training kung saan magsasagawa rin ng assessment ang Rescue 922 sa mga sasailalim sa pagsasanay.
Ayon sa opisyal, limitado laman ang slot ng mga makakapasok kung saan mabibigyan din ang mga ito ng allowance.