--Ads--

SA DIVILACAN, ISABELA – Bagamat nagkakasakit na  at nasusugatan  ang ilang rescuers sa paghahanap sa nawawalang cessna 206 plane ay hindi pa rin sila sumusuko hanggang mahanap ang eroplano.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Engr. Ezekiel Chavez ng Divilacan na tuloy tuloy ang kanilang isinasagawang ground search operations.

Tumagal ng anim na araw na tuloy tuloy na paglakad sa kabundukan ang mga rescuers at  ilan sa kanila ang nagtamo sugat sa mga paa, likod at kamay  maging ang mga kasapi ng Special Action Force.

Nagkaroon ng trangkaso ang isang Dumagat at sipon ang iba pang rescuers ngunit nasa mabuti nang kalagayan matapos uminom ng gamot.

--Ads--

Ngayong araw ay babalik ang mga rescuers ng LGU Divilacan  kasama ang mga kasapi ng PNP Special Action Force at puntiryang tahakin ang mas malalayong lugar sa paghahanap ng nawawalang eroplano

Malakas ang paniniwala ng mga rescuers na matagpuan ang nawawalang cessna plane kayat  hindi sila sumusuko sa paghahanap.

Ayon kay Engineer Chavez, maraming malalalim na bangin sa bundok pangunahin na sa barangay Sapinit ngunit hindi mapenetrate ng aerial rescue team dahil sa makakapal na ulap.

Ayon sa ground search kapag makapal ang ulap sa bundok ang range lamang na maabot o makikita ng mata ay nasa sampo hanggang dalawampong metro.