CAUAYAN CITY- Natupok ng apoy ang kabuuan ng isang bahay barangay Naganacan, Cauayan City, Isabela.
Ang nasunog na bahay ay pagmamay-ari ni Darwin Fragata.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Danny Fragata, kapatid ng may-ari ng nasunog na bahay, sinabi niya na natupok na ng apoy ang kabuuan ng bahay ng makita ito ng kanilang mga kapitbahay.
Huli na rin aniya nang maitawag ito sa bureau of fire protection kaya wala nang naisalba na anumang kagamitan sa bahay na gawa sa light materials.
Maging ang motor ng may-ari ng bahay na nasunog ay natupok din ng apoy.
Hinala nila na maaaring kuryente umano ang naging sanhi ng sunog dahil ilang araw na ring wala ang mga nakatira rito dahil nagtatrabaho sa Cagayan ang Padre de Pamilya habang nasa Lungsod ng Santiago naman ang Misis nito.
Naipaalam naman na sa mga may-ari ang naturang insidente.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang isinasagawang pagsisiyasat ng ng mga kawani ng BFP upag matukoy ang sanhi ng sunog.