CAUAYAN CITY – Magiging unpredictable ang kalalabasan ng Game 7 ng Eastern Conference Finals sa pagitan ng Miami heat at Boston Celtics.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sports Analyst Ian Dalog, sports analyst na ang pagkakapanalo ng Miami sa Game 6 ay dahil sa napakagandang performance ni Jimmy Butler dahilan para mapuwersa ng Miami Heat ang serye sa Game 7 sa Eastern Conference finals.
Nagbuhos ng 47 points si Butler para ibigay sa Miami ang panalo sa Game 6 sa iskor na 111-103.
Ang ipinakitang performance ni Butler ay dati na niyang ginawa noong 2020 NBA Finals ng Los Angeles Lakers na determinadong ipanalo ang kanyang koponan na siyang ginagawa niya ngayon sa kanyang team na Miami Heat.
Sa kabila nito ay hindi pa rin matutukoy kung sino ang mananalo sa Game 7 kahit na sa home court ng Miami gaganapin ang Game 7 dahil malakas ang depensa ng Boston Celtics ngunit nagkulang lamang ng effort sa bandang huli kaya natalo sa Game 6.
Sino mang mananalo sa do or die game sa pagitan ng Miami Heat at Boston Celtics sa Game 7 ng NBA Eastern Conference Finals bukas ay makakalaban ng Golden State Warriors na nagkampeon sa NBA Western Conference Finals.