Hindi kabilang sa mga pelikulang sasabak sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon ang inaabangang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto na pinamagatang Always Yours, Never Mine.
Sa kabila nito, agad na umani ng atensyon ang proyekto matapos makapagtala ng mahigit 10 milyong pinagsamang views sa iba’t ibang online platform ang inilabas na look test video ng dalawa.
Pinuri ng maraming netizen ang chemistry ng dating magkapareha sa pelikulang idinirehe ni Cathy Garcia-Sampana.
Tampok sa teaser ang emosyonal na tagpo ng dalawang bida na lalong nagpataas ng interes ng mga tagahanga sa kanilang pagbabalik-tambalan.
Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang Always Yours, Never Mine sa Setyembre 30.
Samantala, naging usap-usapan kamakailan si Joshua sa social media dahil sa isang isyu online, ngunit mabilis itong natabunan ng excitement ng mga tagahanga para sa kanilang reunion project ni Julia.







