--Ads--

CAUAYAN CITY – Isa sa mga isinusulong ngayon ng Benito Soliven Police Station ay ang kanilang revitalized PNP-KASIMBAYANAN.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Pancho Cortez Jr.  Deputy chief of Police ng Benito Soliven Police Station,  sinabi niya na pinagtutuunan nila ng pansin ang kanilang revitalized PNP-KASIMBAYANAN.

Aniya nakasentro ito sa Kapulisan, Simbahan at Pamayanan na siyang magiging daan sa paghahatid ng programa ng Pambansang Pulisya sa komunidad.

Kaugnay nito ay nakikibahagi ang iba’t ibang Organisasyon sa bayan ng Benito Sliven sa pamamagitan ng mga Faith Based Organization na silang naghahatid o nagpapakalat ng salita ng Diyos sa pamayanan.

--Ads--

Samantala, maliban sa kasimbayanan ay nagpapatuloy ang kanilang kampaniya kontra kriminalidad kung saan umabot na sa pitong wanted person ang kanilang nadakip na nahaharap sa iba’t ibang kaso.

Mula Enero hangang Pebrero ay umaabot naman sa 749 traffic violations ang kanilang nahuhuli sa kanilang Anti-Criminality checkpoint.

May ilang nahuhuli  dahil sa iligal na pamumutol ng kahoy at karamihan sa mga nadakip ay namutol ng sariling tanim na punong kahoy subalit walang kaukulang papeles mula sa Department of Environment and Natural Resources o DENR.

Patuloy din ang kanilang kampanya kontra illegal na droga at pagsasagawa ng outreach programs.