--Ads--

Ipapamahagi ngayong araw ng City Agriculture Office ang Rice Farmers financial Assistance o RFFA sa mahigit dalawang libong benepisaryo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Engineer Dominador Fernandez Jr. City Agriculture Officer na isasagawa sa Community Center ng Brgy. Rizal dakong alas Nuebe ng umaga ang  dalawang araw na pamamahagi ng RFFA.

Dalawang libo, Isang daan at siyam na magsasaka ang benepisaryo na  rehistrado sa Registry System for Basic Sector on Agriculture RSBSA at mayroong dawalang ektarya pababang ang luwang ng sinasakang palayan bilang isa sa pamantayan ng pagpili sa mga benepisyaryo.

Ito ay programa ng Kagawaran ng Pagsasaka o DA para matulungan ang mga magsasaka dahil sa mababa ang presyo ng palay at mataas na presyo ng fertilizer at iba pang inputs.

--Ads--

Inilaan aniya sa naturang programa ang sobrang  collection sa pagpapatupad  ng rice terrification law kung saan ang bawat benepisyaryo ay makakatanggap ng limang libong piso.

Bagamat hindi lahat ng kwalipikado ay mabibigyan dahil sa limitadong alokasyon ay tiniyak naman ni Eng’r. Fernandez na prayoridad ang mga hindi mabibigyan ngayon sa mga susunod na programa.

Mensahe ni Engr. Fernandez sa mga benepisyaryong magsasaka na gamitin sa tama ang matatanggap na tulong sa kanilang pagsasaka.