--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang rice mill employee matapos masangkot sa aksidente sa Brgy. Sagat, Cordon, Isabela.

Ang nasawi ay si Michael Gulpe, 49-anyos at residente ng Antipolo, Minalabac, Camarines Sur.

Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan, nagmamaneho si Gulpe sakay ng kaniyang motorsiklo patungong Quirino Province nang bumangga ito sa isa pang motorsiklo na minaneho ng suspect na si Charles Antonio, labing walong taong gulang, magsasaka at residente ng Panubtuban, Asipulo, Ifugao na bumabagtas sa kabilang linya.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay agad na nasawi ang biktima.

--Ads--