--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa kritikal na kondisyon ang isang motorista matapos itong magsariling naaksidente sa bahagi ng Barangay San Jose, Quirino, Isabela.

Una rito ay isang video ang lumabas sa social media at sinasabing ang lalake ay biktima ng hit and run.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Punong Barangay Wilson Tabuyo ng Barangay San Jose  sinabi niya na walang katotohanan ang mga naunang kumalat na video sa umanoy hit and run insident sa kanilang barangay.

Aniya ang biktima sa aksidente ay si Jun Gasilos ng Barangay San Vicente, Quirino, Isabela.

--Ads--

Bago pa man ang posted video ay napag-alaman na makailang beses na pala itong nadisgrasya.

Ang una ay naganap sa Barangay Mangcuram, Ilagan City, Isabela at nasundan pa sa bahagi ng Barangay San Jose, Quirino, Isabela.

Lumalabas na nagsarili umano ang biktima na mabilis ang pagpapatakbo hanggang sa nawalan na ng kontrol sa manibela bago natumba sa motorsiklo at dumiretso sa palayan.

Napuruhan at nagtamo ng malubhang sugat sa bahagi ng kaniyang ulo ang tsuper na agad dinala sa pagamutan kung saan siya inoobserbahan.