--Ads--

Isang rider ng BOSS Ironman Mindanao Cup 2026 ang nasawi matapos masangkot sa isang aksidente sa kalsada noong Pebrero 1, 2026 sa Kibawe, Bukidnon.

Ayon sa paunang ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang bumangga ito sa isang tricycle, na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Kinilala ang nasawing rider bilang si Ronhums Tomuham, 45 taong gulang, at nakatira sa Nabunturan, Davao de Oro.

Hindi pa inilalabas ng mga awtoridad ang kumpletong detalye hinggil sa sanhi ng aksidente, habang patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang eksaktong pangyayari bago ang banggaan.

--Ads--

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag ang mga organizer ng BOSS Ironman Motorcycle Challenge – Mindanao Leg 2026 kaugnay ng insidente.

Patuloy naman ang paalala ng mga awtoridad sa mga motorista na maging maingat at sumunod sa mga batas-trapiko, lalo na sa mga kalsadang dinadaanan ng malalaking motorsiklo at iba pang sasakyan.