--Ads--

Magkakaroon ng “partially limited” na performance si RM ng BTS sa kanilang The Comeback Live | Arirang show ngayong araw matapos siyang mainjured sa bukung-bukong.

Inanunsyo ng kanilang agency na BigHit Music na nagkaroon ng injury si RM noong Marso 19 sa rehearsal. Nakumpirma ng doktor ang sprain sa accessory navicular, partial ligament tear, at talus contusion. Dahil dito kailangan niyang magsuot ng cast at limitahan ang galaw nang hindi bababa sa dalawang linggo upang magpokus sa paggaling.

Dahil dito, limitado ang kanyang choreography at on-stage performance. Gayunpaman, tiniyak ng agency na makikilahok pa rin si RM sa entablado at makikipag-ugnayan sa ARMY at sa mga manonood.

Pinayuhan ng BIGHIT ang publiko na unawain ang sitwasyon at humingi ng paumanhin sa anumang abala o pagkadismaya sa mga tagahanga. Ipinabatid din na inuuna nila ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang artista at bibigyan si RM ng lahat ng kinakailangang suporta para sa tuloy-tuloy na paggaling.

--Ads--

Ang natitirang miyembro ng BTS ay masigasig na naghahanda para sa pagtatanghal, at nanawagan ang ahensya ng patuloy na suporta at pakikiisa ng mga fans.