--Ads--

CAUAYAN CITY- Naglabas ng pahayag ang Land Transportation Office Cauayan sa publiko hinggil sa isinagawa nitong saturation drive nito na lamang February 27 at 28.

Kasunod ito ng katanungan ng maraming motorista kung bakit maraming bilang ng mga LTO Staff ang nakakalat sa kalsada

Ayon kay LTO Cauayan District Head Deo Salud, ang saturation drive ang mandato ng LTO Region kung saan nagtitipon tipon ang lahat ng mga tauhan ng LTO sa isang lugar para magsagawa ng road drive inspection

Saad pa ng opisyal, hindi layunin ng aktibidad na manghuli ng mga motorista kundi upang magcheck lamang sa mga ito

--Ads--

Hindi naman kasi alam ng mga LTO staff na may violation ang isang sasakyan kung ito ay tumatakbo at saka lamang ito nalalaman kapag nakatigil na

Nilinaw din niya na lahat ay kanilang iniinspeksyon at walang pinipili kahit pa mataas na opisyal ng gobyerno

Sa naging saturation drive, pinakamaraming violation na nahuli ay mga unregistered motorvehicle na may 197  na sinundan ng Driving without Valid Driver’s License na may 172 at violation patungkol sa hindi pagsusuot ng seat belts na may 171.