--Ads--

CAUAYAN CITY- Naghahanda na ang Department of Public Order and Safety o DPOS Santiago sa nalalapit na paggunita ng Undas 2024.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DPOS Chief Edwin Cabanos III, sinabi niya  na may re-routing plan na ang Department of Public Order and Safety para sa paparating na undas.

Aniya may plano na rin para deployment ng kanilang mga tauhan sa mga pangunahing sementeryo sa Lunsod partikular sa Barangay Caloocan at Barangay Rosario.

Magiging katuwang ng DPOS ang Santiago city Police Office sa pagtiyak ng kaayusan ng daloy ng trapiko sa Lunsod.

--Ads--

Sisismulan ang paglalagay ng road sinages sa October 31 isang araw bago ang undas.

Layunin nito na mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga motorista sa mga one way traffic para maiwasan ang traffic build up sa naturang mga lugar.

May diversion roads din sila mula Cauayan patungo ng Santiago City at sa bahagi ng Nueva Vizcaya patungo sa Sinsayon at Barangay Batal.