--Ads--

CAUAYAN CITY- Isasagawa sa susunod na buwan ng Hunyo ang Road safety summit na dadaluhan ng hanay ng mga motorista sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ito ay para matalakay ang mga suliranin sa trapiko sa kanilang biyahe sa kahabaan ng pambansang lansangan sa nasabing lalawigan.

Sa naging panayam ng BombO radyo Cauayan, sinabi ni P/Sr. Supt. Jeremias Aglugob, Prov’l. Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) na layunin ng 4 lanes na daan na mailagay sa gilid ng daan ang isang sasakyan kung may problema sa daan ngunit ginagawang parkingan ang gilid ng daan kaya bigo ang nasabing layunin.

IsA sa mga tatalakayin ang palaging basa na daan sa bayan ng Diadi dahil sa patuloy na pag-agos ng tubig mula sa bundok ng mga tubo na inilalagay ng mga residente sa gilid ng pambansang lansangan.

--Ads--

Ayon kay Sr. Supt. Aglugob, dapat na may may longterm solution ang mga suliranin sa trapiko sa national highway sa Nueva Vizcaya.