Isang masayang balita ang ibinahagi ng mag-asawang Robi Domingo at Maiqui Pineda matapos isilang ang kanilang unang anak. Sa kanilang pinagsamang Instagram post noong June 1, ipinakita ng dalawa ang kanilang unang video bilang isang pamilya sa loob ng ospital.
Sa caption nito, tinawag ng mag-asawa ang sanggol bilang kanilang “newest housemate.”
Umani ng maraming pagbati ang mag-asawa mula sa mga kilalang personalidad sa industriya gaya nina Gary Valenciano at Bianca Gonzalez.
Ang pagsilang ng kanilang panganay ay isang malaking milestone para sa mag-asawang ikinasal noong January 2024 matapos ma-diagnose si Maiqui na may dermatomyositis noong 2023, inanunsyo ng mag-asawa na nasa clinical remission na ito nitong nakaraang December.
Noong September naman nang malaman nilang sila ay magkaka-baby na. Noong 2024, hinarap din ni Robi ang mga batikos mula sa mga netizen na tumawag sa kanyang “insensitive” dahil sa kagustuhang magkaanak sa gitna ng sakit ng asawa, ngunit agad siyang ipinagtanggol ni Maiqui.







