--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakikita ng isang Institusyon sa Pilipinas na malaki ang maitutulong ng Agricultural Robot – Tomasino Innovation Systems (AGROTIS) sa mga magsasaka sa lalawigan ng Isabela.

Ang AGROTIS ay isang system kung saan gagawing remote control na lamang ang mga hand tractor na ginagamit sa pagtatanim ng mais at palay.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Thaynie Princes Enclonar- Research Specialist, sa isang Institution, sinabi niya na ang naturang system ay na imbento ni Dr. Anthony James Bautista mula sa UST-Manila.

Layon nito na mabawasan ang manual labor, ibig sabihin, padaliin ang buhay ng mga magsasaka dahil hindi na nila kinakailangan pang sumulong sa matinding init ng araw upang makapag tanim lamang.

--Ads--

Kahit isang tao na lamang aniya ang pumunta sa isang site para paganahin ang tractor gamit ang remote.

Sa system na ito, kaya ng iisang indibidwal na paganahin ang limang hand tractor ng sabay-sabay dahil hindi na niya kinakailangan na i drive ang mga ito isa-isa.

Dagdag pa nito, ang mga hand tractors na pwede sa AGROTIS ay ang mga commercial tractors o ang mga ordinaryong nabibili at nakikita tuwing nagtatanim, i co-connect na lamang aniya ang Agricultural robot upang gumana ito.

samantala,Pinag-uusapan ngayon sa International Smart and Sustainable Cities and Communities Exposition and Networking Engagement (iSCENE 2025) na ginaganap sa lungsod ng Cauayan ang paggamit ng mga magsasaka sa makabagong drone na makakapag detect ng health condition ng mga pananim.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Arvin Ian C. Yanguas, researcher mula sa Central Luzon State University, sinabi niya na ang proyektong PEST D-TECH ay naglalayong ma detect kung mayroong sira ang mga pananim.

Paglilinaw nito, hindi sila ang magbibigay ng drone kundi system na robot lamang ang kanilang iprepresente na maaaring ilagay sa drone upang makita ang kalidad ng isang sakahan.

Aniya, batay sa kanilang pag-aaral, mahirap malaman kung saang parte ng sakahan ang mayroon nang damage o mayroon ng peste kaya sa tulong ng kanilang system at drone ay kayang ma detect nito ang hekta-hektaryang lupain.

Otomatiko kasi aniyang mag kukulay pula (red) ang monitor kung ma detect nito na hindi na healthy ang isang mais o palay.

Sa pamamagitan niyan ay maaabisuhan naman nila ang mga magsasaka na gumamit ng gamot na naaayon sa damage ng pananim.

Dagdag pa niya, ang maximum na lipad ng isang drone ay 5 meters dahil malinaw nitong makikita ang isang puno ng mais o sibuyas ngunit advisable rin naman aniya ang 100 meters upang malaman kung saang area ang mayroon ng peste.

Sa ngayon ay hindi pa ito nailalabas sa merkado subalit inaasahan na sa susunod na taon ay magagamit na ito sa Pilipinas.