--Ads--

Unti-unti nang nararamdaman ng mga tricycle driver sa Lungsod ng Cauayan ang pagtaas ng kanilang kita kasunod ng panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Solero Silaran Jr., isang tricycle driver, sinabi niya na kapansin-pansin na umano ang unti-unting pagbuti ng kanilang kinikita sa araw-araw na pamamasada kung ikukumpara sa mga nakalipas na pagkakataon.

Aniya, kahit hindi pa balik sa dating presyo ang mga produktong petrolyo ay  mainam na ang unti-unting rollback lalo na at patuloy na tumataas ang mga gastusin.

Umaasa naman ang mga kagaya niyang namamasada na magpapatulong ang rollback sa mga susunod na linggo upang mas mapagaan pa ang kanilang gastusin sa gasolina at iba pang kailangan sa kanilang pamamasada.

--Ads--

Samantala, ikinatuwa rin ng ilang mga commuter ang oil price rollback. Anila, kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng petrolyo ay malaki ang posibilidad na bumalik sa dating halaga ang pamasahe sa Lungsod.