--Ads--

Matagumpay na naibenta sa halagang $6.2-M o lagpas ₱350-M ang isang saging sa Sotheby’s auction house sa New York City.

Bahagi ang saging ng isang conceptual piece na nagngangalang “Comedian” na likha ng Italian artist na si Maurizio Cattelan.

Nagsimula sa $1.5-M ang presyo hanggang sa unti-unting tumaas ang bid dahil sa 7 bidders.

Ang winning bid sa auction ay nanggaling sa Chinese na si Justin Sun, founder ng isang cryptocurrency platform.

--Ads--

Dahil sa shelf life ng saging, kailangan kumuha ni Sun ng Certificate of authentication na ang artpiece ay gawa ni  Cattelan.

Matatandaang unang naging viral ang art piece na ito matapos itong kainin ni  David Datuna na inabutan ng gutom habang nasa exhibit sa Miami.