--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaasahang sisimulan  ng Philippine Red Cross (PRC) sa Isabela ang pilot testing sa saliva test para sa COVID-19 ngayong Enero 2021.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Eunich Lasquero,  supervisor ng molecular laboratory ng PRC Isabela chapter na sa ngayon ay sa Metro Manila pa lamang isinasagawa ang saliva testing subalit inaasahan itong maisasagawa sa Isabela ngayong Enero.

Kapag naisakatuparan ang pilot testing sa saliva test  ay maaari nang kumuha ang PRC Isabela ng parehong saliva at swab test.

Aniya, kung ikukumpara sa swab test ay mas madaling makakuha ng samples sa pamamagitan ng laway at sa loob lamang ng dalawang oras ay mailalabas na ang resulta.

--Ads--

Ayon kay Lasquero, mula nang nagsimula ang operasyon ng Molecular Laboratory ng PRC Isabela noong Nobyembre 2020 ay nakakuha na sila ng mga specimen samples.

Maliban dito ay nagpadala rin sila ng samples sa Philippine Genome Center para sa isasagawang confirmation kaugnay ng bagong variant ng COVID-19.

Nilinaw niya na wala namang kakaiba sa mga ipinadalang samples subalit kailangan itong masuri ng Philippine Genome Center para sa confirmation ng napaulat na bagong variant ng COVID-19.

Ang pahayag ni Eunich Lasquero