CAUAYAN CITY- Patuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng San Mateo Police Station sa pagkamatay ng isang magsasaka sa Barangay Gaddanan, San Mateo, Isabela.
Batay sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa San Mateo Police Station sinisilip nila lahat ng angulo lalo pa’t naniniwala ang pamilya ng biktima na may foul play sa pagkamatay ng kanialng kaanak.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga parin ng pulisya ang mga umanoy ebidensya laban sa pinaghihinalaan na suspek ng pamilya Fernandez.
Matatandaan na natagpuang wala ng buhay ang si Johnny Fernandez, 45-anyos sa bukid na bahagi ng Brgy. Gaddanan, San Mateo, Isabela.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng San Mateo Police Station mismong ang kapatid ng biktima ang nakakita sa wala ng buhay nito sa water canal o daanan ng tubig sa bukid.
Lumalabas sa imbestigasyon na bago magpunta sa bukid para maglinis ang biktima ay nagpunta muna umano ito sa inuman.