--Ads--
Nagtapos na ang 2026 PBA All-Star Weekend sa Candon, Ilocos Sur, at nakatakdang magsimula ang Commissioner’s Cup sa Miyerkoles, March 11 sa Ninoy Aquino Stadium.
Pinili ng San Miguel Beer si Marcus Lee bilang import kapalit ni Bennie Boatwright. Nasa Manila na si Lee at nakiki-ensayo na sa Beermen at kasama na rin sa mga tuneup games laban sa UST at Meralco.
Kumpleto na ang SMB sa kanilang mga local stars kabilang sina June Mar Fajardo, CJ Perez, Don Trollano, Jericho Cruz, Marcio Lassiter, at Rodney Brondial, at inaasahang makakasabay si Lee sa mataas na profile na imports gaya ni Bol Bol ng TNT.
Magsisimula ang kampanya ng Beermen sa March 21 laban sa Titan Ultra sa Ynares Center sa Antipolo.
--Ads--






