--Ads--
Ibinasura ng Sandiganbayan ang hiling ng dating DPWH official na si Juliet Calvo na ma-house arrest matapos siyang ma-stroke.
Sa halip, pinayagan ng anti-graft court si Calvo na manatili sa Philippine Heart Center sa loob ng 30 araw para sa kanyang pagpapagamot.
Pagkatapos nito, ililipat siya sa Quezon City Jail Female Dormitory.
Nahaharap si Calvo sa kasong malversation kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control project sa Oriental Mindoro, kung saan kapwa akusado si dating mambabatas Zaldy Co.
--Ads--
Si Co ay nananatili sa labas ng bansa at itinuturing ng mga awtoridad na fugitive kaugnay ng multi-bilyong flood control scam.











