--Ads--

Ibinasura ng Sandiganbayan ang natitirang asset claims sa kasong layuning mabawi ang umano’y ill-gotten wealth ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at kanyang pamilya.

Sa resolusyon na inilabas nitong Hunyo 2, 2026, sinabi ng Special Division ng anti-graft court na tinapos na ang natitirang mga claim matapos magpasya ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) na hindi na magpresenta ng karagdagang ebidensya sa Civil Case No. 0141, dahil karamihan sa mga ari-arian ay na-recover na sa iba’t ibang kaso.

Ayon sa korte, sa mga nakaraang taon ay nakakuha na ang pamahalaan ng partial judgments na nag-uutos ng forfeiture ng $658 milyon mula sa Swiss deposits, mga pondo, ari-arian, shares, at iba pang assets kabilang ang Arelma accounts, Malacañang Jewelry Collection, at kita mula sa bentahan ng mga painting at artwork na nagkakahalaga ng $17 milyon.

Noong Mayo 12, 2026, nagsumite ang pamahalaan ng manifestation na hindi na ito magpapatuloy sa presentasyon ng ebidensya para sa natitirang mga ari-arian na hindi saklaw ng naunang desisyon.

--Ads--

Kasama rin sa kaso ang mga paratang na may mga bank deposits ang mga Marcos sa Luxembourg, Hong Kong, Cayman Islands, at United States, pati na rin ang mga shares sa iba’t ibang kumpanya at iba pang properties.