--Ads--

Balak iharap ng prosekusyon si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo bilang testigo laban sa mga opisyal ng DPWH-Mimaropa sa Sandiganbayan kaugnay ng umano’y maanomalyang road dike project sa Oriental Mindoro.

Kasama rin sa planong iharap ang OIC regional director na si Editha Babaran, na pumalit kay dating regional chief na si Gerald Pacanan. Ayon sa depensa, ipapalabas nila ang pagtutol dahil naipakita na si Babaran sa bail hearings.

Inihayag ng korte na walang paglilitis sa susunod na linggo dahil sa scheduling conflict ng mga testigo. Magpapatuloy naman ang pagdinig sa kaso sa Marso 17 at 19.

Ang mga opisyal ng DPWH-Mimaropa na sina Gerald Pacanan, Gene Altea, Ruben Delos Santos Jr., Dominic Serrano, Lerma Cayco, Felisardo Casuno, Dennis Abagon, Juliet Calvo, at Montrexis Tamayo ay nag-plead ng “Not Guilty” sa mga kasong malversation at graft. Lahat sila ay dumalo sa ikalawang araw ng paglilitis.

--Ads--

Si Zaldy Co naman na idineklara bilang “fugitive” ng Sandiganbayan, ay nananatiling wala sa kustodiya at hindi pinapayagang humingi ng anumang judicial relief mula sa anti-graft court.