--Ads--

Ibinasura ng Supreme Court of the Philippines ang petisyon ni Harry Roque na kumukwestyon sa kanyang naging pag-aresto kaugnay ng imbestigasyon ng House Quad Committee.

Ayon sa Korte Suprema, wala nang saysay  ang petisyon ni Roque dahil inalis na ng Quad Committee ang contempt order laban sa kanya at natapos na rin ang imbestigasyon nang mag-adjourn ang Kongreso noong Hunyo 2025. Dahil dito, wala na umanong maibibigay na praktikal na solusyon ang korte sa kanyang kaso.

Matatandaang noong Setyembre 2024, ipinag-utos ng Quad Committee ang pag-aresto kay Roque matapos umano nitong tumangging magsumite ng mga dokumento kaugnay ng sinasabing paglaki ng kanyang yaman.

Dahil dito, naghain siya ng petisyon sa Korte Suprema, kabilang ang writ of amparo, upang pigilan ang kanyang pag-aresto at ang pagpapatupad ng utos ng komite. Gayunman, nauna nang tinanggihan ng korte ang kanyang hiling, dahil hindi umano angkop ang naturang remedyo para sa ganitong kaso.

--Ads--

Samantala, nananatili si Roque sa ibang bansa at nahaharap sa kasong qualified human trafficking kaugnay ng isang POGO firm.