CAUAYAN CITY – Labis na hirap ang dinanas sa pakikipaglaban sa mga terorista ngunit hindi inisip na umurong at umuwi na dahil walang puwang sa mga rangers ang salitang surrender.
Inihayag ito ng sundalo mula sa Ilagan City, Isabela na isa sa mga sumabak sa giyera sa Lunsod ng Marawi na mula sa ranggong Private First Class ay naitaas ang ranggo bilang Corporal.
Si Corporal McNeil Prejillana ay nagtamo ng sugat sa pakikipaglaban sa mga terorista.
Sa naging eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Corporal Prejillana na nagsasanay sila noon bilang Scout Ranger at ipinadala sila sa Lunsod ng Marawi.
Naging test mission nila ang giyera sa Marawi City.
Sa bilang nilang 95 ay 6 ang namatay habang 36 ang nasugatan.
Sinabi ni Corporal Pajaranilla na ang karanasan sila sa jungle warfare ay iba sa urban warfare.




