CAUAYAN CITY – Pinaghahandaan na ng SDO Cauayan City ang nalalapit na graduation at moving up ceremony.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Alfredo Gumaru Jr. Ang Schools Division Superintendent ng SDO Cauayan City, sinabi niya na naglabas na ng memorandum ang DepEd tungkol sa mga ipapatupad na panuntunan para sa nalalapit na graduation at moving up ceremony ng mga estudyante ngayong school year 2020-2021.
Aniya nakatakdang isagawa ang graduation at moving up sa ikalabindalawa hanggang ikalabing anim ng Hulyo.
May inisyal nang plano ang SDO Cauayan City at naabisuhan na rin ang mga eskwelahan para sa kanilang plano tungkol dito.
Ayon kay Dr. Gumaru virtual pa rin ang nirerekomendang paraan ng gagwing graduation at moving up rites upang maiwasan ang virus na Covid 19.
Matatandaang nagkaroon ng Graduatioon on Wheels ang SDO Cauayan City noong nakaraang school year kung saan mismong mga guro na ang nagtutungo sa mga bahay ng estudyante upang ibigay ang kanilang diploma at awards.
Ayon kay Dr. Gumaru pinag iisipan na ng mga guro ang mas magandang gawing paraan para sa graduation at moving up ceremony na hindi nalalabag ang ipinapatupad na health protocols ng IATF.
Pinayuuhan naman ni Dr. Gumaru ang mga guro sa lunsod na maging considerate sa mga estudyanteng nahihirapan na talagang humabol sa kanilang mga modules at activities.
Nakapagtala naman ang SDO Cauayan City ng dalawamput dalawang dropout na estudyante.
Nilinaw naman ni Dr. Gumaru na hindi lahat ay tumigil na sa pag aaral dahil ang ilan ay nagtransfer lamang ng eskwelahan ngunit kinukunsidera pa rin silang dropout.
May limang estudyante namang patuloy na hinihikayat na bumalik sa pag aaral at magcope up sa kanilang modules at activities upang maisama sila sa darating na commencement exercises.
Mas kakaunti ang mga estudyanteng tumigil sa pag aaral ngayong school year kung ikukumpara noong nakaraan kaya inaasahan na ng SDO Cauayan na mas marami ang bahagdan ng magtatapos ngayong taon.