--Ads--

CAUAYAN CITY – Walang nakitang problema ang pamunuan ng Schools Division Office o SDO Cauayan City sa kanilang isinagawang monitoring sa pormal na pagbubukas ng klase kahapon.

Base sa Balik Eskwela monitoring ng SDO sa ilang paaralan sa lungsod nasa maayos na kondisyon ang mga pasilidad maging ang flow ng mga klase.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Gemma Bala ng SDO Cauayan, sinabi niya na maliban sa Cauayan City Stand Alone Senior High School na nagkaroon ng problema sa kakulangan ng ilang pasilidad gaya ng upuan at mesa ay wala na silang naitalang iba pang aberya sa ibang paaralan.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 34,500 ang kabuuang bilang ng mga estudyanteng nag enroll sa walumpong elementary school sa lungsod at inaasahan nilang madadagdagan pa ito sa mga susunod na araw.

--Ads--

Tiniyak naman niya sa mga magulang na mamomonitor ng maigi ang mga ibinibentang pagkain sa loob ng paaralan at hindi makaapekto sa kalusugan ng mga mag-aaral.

Magpapatuloy ang kanilang monitoring hanggang sa araw ng myerkules habang ang resulta nito ay ilalabas sa araw ng  byernes.