--Ads--

CAUAYAN CITY – Magsasagawa ng division wide teacher’s day celebration ang Schools Division Office ng Isabela sa Sabado, October 5, sa Alicia Community Center, Alicia, Isabela.

Bahagi ito ng month-long celebration ng teacher’s day na nagsimula noong September 5 at matatapos sa October 5.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Rachel Llana, Schools Division Superintendent ng SDO Isabela, sinabi niya na naging katuwang ng SDO Isabela ang mga Supreme Student Government at Parent Teachers Association at local government units para sa para sa pagdiriwang.

Aniya, bahagi ng pagtitipon ay upang bigyang pagkilala ang mga guro sa lalawigan ng Isabela.

--Ads--

Isasagawa rin bukas ang recognition rites para sa mga teaching and non-teaching personnel na nagpakita ng outstanding Performance sa kanilang mga trabaho.

Aniya, iba’t ibang aktibidad at pakulo ang inihanda ng SDO Isabela katuwang ang mga estudyante at magulang  para division wide teacher’s celebration.

Samantala, nagpasalamat naman ni SDS Llana sa mga sakripisyo at pagmamahal ng mga guro sa kanilang mga estudyante.