Malungkot na inanunsyo ni Cebu City Mayor Nestor Archival ang isang trahedya sa Binaliw landfill matapos itong gumuho dahil sa napakaraming basurang nakatambak sa lugar.
Ayon sa ulat na natanggap ng alkalde, tinatayang 94 na manggagawa ang nasa Binaliw landfill nang maganap ang insidente, kung saan 27 sa kanila ang natabunan at nakulong sa basura.
Sa isinagawang rescue operation bandang alas-10 ng gabi, siyam (9) na manggagawa ang naiigtas mula sa lugar.
Tinitiyak ng alkalde na hindi titigil ang paghahanap sa natitirang 18 manggagawa na hindi pa natatagpuan.
Nakatakda ring makipagpulong si Mayor Archival sa mga operator ng landfill ngayon upang masuri ang sanhi ng pagguho at talakayin ang mga agarang aksyon upang maiwasan ang mga karagdagang aksidente.
Samantala, pansamantalang sinuspinde ang lahat ng aktibidad sa pagtatapon ng basura sa Binaliw Landfill bilang tugon sa pagguho ng lupa.
Matatandaan na isa ang naitalang nasawi at 30 ang nawawala pa matapos ang naganap na landslide.
Karamihan sa mga biktima ay trabahador ng materials recovery facility sa Barangay Binaliw.
Nakailigtas naman ng mga otoridad ang siyam na katao at dinala na ang mga ito sa pagamutan.
Nagalit ang mga kaanak ng biktima matapos na hindi sila pinapasok ng mga guardiya sa lugar dahil tanging mga rescuers lamang ang pinapasok.
Nagpapatuloy naman ang ginagawang rescue ng mga otoridad sa nasabing lugar.











