--Ads--

Hindi malayong maging probinsya ng China ang Pilipinas kung isusuko ang Kalayaan Island Group (KIG) matapos ang naging pahayag ni Senator Rodante Marcoleta kamakailan na i-“give up” na lamang ang naturang Isla.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauyan kay Dr. Chester Cabalza, Presidente ng International Development and Security Cooperation, sinabi niya na kapag nakuha ng China ang Kalayaan Islands ay posible itong maging daan upang kamkamin nito ang iba pang teritoryo ng Pilipinas.

Binigyang-diin nito na hindi pwedeng basta na lamang ibigay ng bansa ang teritoryo na minsan na nitong naipanalo sa pamamagitan ng International Arbitral Award noong 2016.

Ayon kay Dr. Cabalza, mayroong siyam na maritime features sa Spratly Islands ang Pilipinas at dapat itong ipagtanggol ng mga Pilipino dahil ito’y nakatutulong sa maritime security, freedom of navigation, at sa pagpapalakas ng armed forces ng bansa.

--Ads--