--Ads--

CAUAYAN CITY- Maigting na tinututukan ng Cabatuan Police Station ang seguridad sa bayan ng Cabatuan, Isabela kasabay ng nalalapit na halalan sa ika-12 ng Mayo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Romeo Mabea, Chief of Police ng Cabatuan Police Station, sinabi niya na mayroon na silang nailatag na mga security measures upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na insidente na may kinalaman sa election.

Nagpapakalat aniya sila mga kapulisan sa mga lugar na pinagsasagawaan ng Meeting de Avance ng bawat kandidato at tuloy-tuloy ang kanilang  pagmomonitor sa bawat barangay sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay PMaj. Mabea, kulang sila sa personnel kaya naman nag-request na sila ng augmentation sa Isabela Police Provincial Office (IPPO) at agad naman nilang pinadala ang personnel ng 2nd IPMFC para tumulong sa monitoring.

--Ads--

Nakipag-ugnayan na rin sila sa mga Barangay Officials kabilang ang mga barangay Tanod upang umagapay sa mga Kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan sa bawat barangay na nasasakupan ng Cabatuan.

Samantala, simula aniya nang magsimula ang Election Gun Ban noong Enero 12 ay marami nagsurrender sa kanilang himpilan ng mga firearms dahilan kaya’t iisa pa lamang ang naitala nilang gun ban violators.